Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rose Van palaban kina AJ, Ana

0 149

NI: ROLDAN CASTRO

Parang bulaklak na namumukadkad si Rose Van Ginkel.Makikipagkabugan siya kina Ana Jalandoni at AJ Raval kung paano maging kaakit-akit at pagnasahan ng mga manonood sa pelikulang “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar.”

Si Rose Van ay napanood sa ‘Talk Back and You’re Dead,’ ‘ABNKKBSNPLAKO Movie,’ ‘ Para Sa Hopeless Romantic,’ ‘Chain Mail,’ ‘Dark Room,’ at ‘100 Tula Para Kay Stella.’

Isa rin siyang recording artist ng Viva Records,

Hindi ba siya natatakot na husgahan ng ibang tao sa pagpapaseksi?

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Siyempre natatakot po ako na kung ano ang sabihin o isipin ng mga tao sa akin. Pero parang iniisip ko kasi as an actress ito ‘yung work mo.Siguro mabubuo rin ‘yung pagiging aktres mo kung mai-experience mo lahat ng type of roles. Bilang artista kailangan ko itong maranasan. Trabaho po ito. Hindi ko iisipin na maapektuhan ang buong pagkatao ko sa sasabihin ng ibang tao kasi work ito at iba naman ‘yung totoong buhay,” deklara niya sa virtual presscon ng “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar”

Kumusta naman katrabaho sina Alma Moreno, Ara Mina, Maui Taylor, Rosanna Roces?

“Sa shoot sobrang gaan nilang kasama. Actually, medyo kinakabahan po ako kung paano sila sa set. Nakaka-tense pero hindi po. Nu’ng mag-start po kami talagang sobrang… parang lagi nilang pinapa-feel sa amin na kaya namin,” pakli pa niya.

Ang “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar”

ay mula sa panulat at direksyon ni Darryl Yap. Ipinapakita ng pelikula na hindi lamang pagpapasilip ng katawan kundi naglalantad din ng hubad na katotohanan kung bakit tinatangkilik ang pornograpiya at kung sinu-sino ba ang nahihilig dito. Showing na ito sa January 29 sa VivaMax.

Leave A Reply

Your email address will not be published.