Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rosebud, 3 kasabwat swak sa bakuna slot for sale

0 93

Ni Nancy Carvajal

Nakakita ng probable cause ang Pasay City Prosecutor’s Office para sampahan ng iba’t ibang kasong kriminal si Mary ‘Rosebud’ Ong, ang kapatid nito, at dalawa pa nilang kasabwat dahil sa umano’y pagbebenta ng COVID-19 vaccination slot sa mga Chinese national sa bansa.

Ayon sa isang e-inquest resolution, na ang kopya ay nakuha ng Politiko, hindi pa iniisyuhan ng release order si Ong na kasalukuyang nakakulong sa National Bureau of Investigation (NBI) jail.

Kinasuhan sina Ong, kapatid niyang si Peter Ong, Warlito Mabanan at Ferdinand Balagot ng estafa, direct bribery at paglabag sa Anti-Red Tape Act.

Binasura ang kasong paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft Law sa mga suspek sa batayang hindi sila mga kawani ng gobyerno

SM food to go Banner Ad

Dinakip ng mga ahente ng NBI Special Action Unit sina Ong sa isang entrapment operation noong nagdaang linggo.

Sinabi ng mga NBI source sa Politiko na hindi nila alam kung sino si Ong hanggang sa sinabi sa kanila ng kapatid nito ang dati niyang katayuan.

Sinubukan din umano ni Ong na lusutan ang pagkakaaresto sa kanya.

“Ang dami niya tinawagan to let her go. She even said that her arrest might jeopardize her intention to seek political asylum in the US, in the event that Senator Lacson wins the presidency in 2022,” saad ng source.

Batay sa mga opisyal na dokumento na isinumite sa korte, P7,000 ang halagang hinihingi nina Ong kada tao kapalit ang slot sa COVID-19 vaccine.

Leave A Reply

Your email address will not be published.