Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rosier kaisa sa ‘Manong Tsuper’

0 314

Kaisa si team captain Roselyn ‘Rosie’ Rosier at University of the Philippines Fighting Maroons women’s volleyball team sa tutulong sa mga jeepney driver na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Upang makatulong sa mga tsuper na nawalan ng kabuhayan ngayong may pandemiya, ido-donate ng 2-1year-old, 5-foot-7 at San Pedro City native volleybelle ang kanyang jersey sa UP College of Human Kinetics Students Council na magsasagawa ng isang fund-drive sa ilalim ng “Manong Tsuper, Ating Suklian”.

Kabilang sa mga jersey na isasalang din sa online raffle ang pagmamay-ari ng teammates nina Rosier na sina Diana Mae ‘Tots’ Carlos, Jessma Clarice Ramos, Marian Alisa Buitre at setter Maria Arielle ‘Aye’l Estrañero.

Ang raffle ticket ay may halagang P200 at ang malilikom rito ay gagamitin upang makatulong sa pamilya ng mga jeepney drivers na naghihikahos sapul nang magsimula ang pandemiya sa bansa noong Marso.

Nakansela rin sa nasabing buwan ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82 women’s indoor volleyball tournament 2020. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.