Abante Tonite Interactive

Ross, Cabagnot iwas madiyeta sa Game 4

292

Mataas ang shooting percentage ng San Miguel Beer kumpara sa TNT sa Game 3 ng PBA Commissioner’s Cup Finals, pero tumukod pa rin ang Beermen 115-105.

Mula sa field ay 38 of 81 ang Beer (46.9 percent), 35 of 82 ang KaTropa (42.7 percent).

Ang nakikita ni SMB coach Leo Austria ay ang malaking pagkakaiwan nila sa mga naipasok mula 3-point range.

“8 out of 26 3-pointers (SMB) against 15 of 38 (TNT), I think that’s one thing na kailangan ma-solve muli namin,” punto niya. “Last game we were able to stop their three-point shots.”

Ang isa pa ay ang pagkalusaw ng biggest lead nilang 36-19.

Humarabas ng 24-0 run ang KaTropa sa pangunguna ni Terrence Jones, nang maiwan 43-36 ay hindi na nakabalik ang Beer.

‘Yung mga bagay na ‘yun ang binusisi ni Austria at kanyang staff sa isang araw na ceasefire kahapon. Balik ng Smart Araneta Coliseum ang magkatunggali para sa Game 4 ngayon.

Nadiyeta pa sa pinagsamang 8 points lang sina Chris Ross at Alex Cabagnot na 2 of 9 combined lang mula sa floor. (Vladi Eduarte)