Abante Tonite Interactive

Ross, Fajardo tinabla ang Beermen sa Hotshots

402

rumesbak

Itinabla sa 1-1 ng San Miguel Beer ang PBA Philippine Cup best-of-seven finals series kontra Magnolia Ang Pambansang Manok sa pamamagitan ng 108-101 panalo sa Game 2 kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kumana pareho ng tig-16 puntos sina five-time reigning Most Valuable Player June Mar Fajardo at Alex Cabag­not habang may 15 markers ang best player ng laro na si Chris Ross, na sumahog pa ng 6 boards at 3 dimes sa likod ng 6-of-15 field goal.

Na-thrown out si San Miguel guard Terrence Romeo, matapos mala­kas na ipasa ang bola sa referee sa 6:23 mark ng fourth canto. Nagsumite siya ng 13 points.

Ibinuhos ng Beermen ang kabuuang 28 puntos sa ikalawang yugto habang nilimitahan nito ang Hotshots sa 19 puntos lamang upang itala ang unang abanteng 10 puntos sa pagtatapos ng unang hati sa 51-41 na pinuhunan na para maka­bawi sa 99-95 Game 1 loss.

Nagtulong-tulong sina Ross, na itinala ang 11 puntos kasama ang 5 rebounds at 2 assists, habang si Arwind Santos ay may 9 puntos at tatlong rebounds sa naturang yugto.

May tig-isa ring tres sina Romeo at Lassiter sa first half, na nabokya sa Game 1 at tumapos lamang ng 3 puntos, 3 rebounds at 2 assists.

Si Ross ang nagpasimula sa paglayo ng SMB sa first half kung saan nirolyo ng team niya ang 51-41 lead sa halftime.

Nanguna sa Hotshots si Ian Sangalang na may 18 markers.
Ang iskor:

San Miguel 108 – Fajardo 16, Cabagnot 16, Ross 15, Lassiter 15, Santos 13, Romeo 13, Standhardinger 13, Pessumal 5, Rosser 2, Nabong 0, Zamar 0.

Magnolia 101 – Sangalang 18, Jalalon 15, Barroca 12, Pascual 11, Lee 10, Melton 9, Simon 6, Ramos 6, Herndon 5, Dela Rosa 4, Reavis 2, Calisaan2, Brondial 1.
Quarters: 23-22, 51-41, 83-66, 108-101. (Lito Oredo)