Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ross gigil nang magdribol, syut

0 323

Ibinalik sa panibagong enhanced community quarantine ang Metro Manila at mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.

Bawal muli ang mass gathering, kasama rin sa mga isinara ang gyms.

Ayon kay commissioner Willie Marcial Linggo, kinansela na ang planong April 18 opening ng PBA 46th Season.

Hanggang April 4 ang ECQ, pagkatapos ay titingnan ang sitwasyon bago mag-desisyon ang liga.

Sarado ang gyms, tigil ang ensayo at workout ng PBA teams.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si PBA star Chris Ross, hindi na naitago ang pagkadismaya sa nangyayari.

Apektado ang Fil-Am guard ng San Miguel Beermen sa sitwasyon.

“Not gonna lie this really sucks,” tweet niya Lunes. “A year after lockdown we are doing even worse with the virus.”

Naiinip na si Ross na tengga lang sa bahay, hindi magawa ang gusto – mag-basketball.

“Can’t take much more just sitting in the house not doing what I love to do,” panapos niya. “Praying for everyone’s strength, physical and mental health during these times!” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.