Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ross hindi malala ang injury

0 35

Dalawa ang bumagsak na mandirigma ng San Miguel Beer kasabay ng 93-87 pagtaob ng Beermen kontra Meralco sa 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup eliminations sa Ynares Arena sa Pasig Linggo ng gabi.

Sila ay sina combo guards Terrence Romeo na dumanas ng left knee injury, at Christopher Rosss na nagka-spraned ankle.

Pero pasalamat naman sina coach Leovino Austria at team therapist Edward Bacason na hindi ganun kaseryoso ang mga iniinda ng dalawang key player. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.