Abante Tonite Interactive

Ross iyak sanhi ng hirap sa Magnolia

352

‘Di pinigil ni Chris Ross ang pag-iyak tapos kumpletuhin ng San Miguel Beer ang 72-71 win kontra Magnolia sa Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum Miyerkoles ng gabi.

Habang bumabagsak ang confetti, tulo rin ang luha ni Ross.

Nagpundar ng dynasty ang Beermen, sinikwat ang panlimang sunod na all-Filipino crown pero nasagad.

Katunayan, pagkatapos ng limang laro ay nakauna pa sa best-of-seven series ang Hotshots 3-2. Nasa hukay ang isang paa at nanganganib na maputol ang apat na taong paghahari, kinailangan ng San Miguel na ipanalo ang dalawang laro.

“It was one of the toughest,” ani Ross sa huling sinungkit na titulo.
Ganun kahirap ang Hotshots.

“This was the first time I actually cried after winning the game. I hugged coach Leo (Austria), and tears fell, wakas niya.(Vladi Eduarte)