Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ross malupit sa depensa

0 378

Clark Smart Giga City – Pinaalala ni Chris Ross na two-time Defensive Player of the Year siya sa laro ng San Miguel Beer at Meralco noong Miyerkoles sa Smart 5G-powered AUF Arena sa Angeles City.

Sa loob ng 32 minutes, limang steals ang kinumpleto ng Fil-Am guard. Halos kalahati ng 11 nakaw ng Beermen. May tatlo pa ang partner niyang si Marcio Lassiter.

Kasama ang steals na ‘yun sa 17 turnovers ng Bolts na nai-convert ng San Miguel sa 21 points. Para maikumpara kung gaano kabilis ang kamay ni Ross: 6 steals overall lang ang Bolts.

Dalawang nakaw play ang kinumpleto ni Ross sa fourth, bahagi ng ragasa ng Beermen tungo sa nakaw ding panalo 89-82. Umahon ang SMB mula 65-52 deficit sa third.

Hindi pa 100 percent sa lagay na ‘yun si Ross, nakabenda pa ang sprained thumb. Bugbog din ang kanyang tuhod at paa. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.