Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ross nakatapos na ng kolehiyo

0 219

Ibinida ni Philippine Basketball Association (PBA) eight-time champion at five-time all-star guard Christopher ‘Chris’ Ross sa kanyang social media account Martes na tapos na ang pag-aaral niya sa kolehiyo.

Ipinaskil ng San Miguel Beer player ang listahan ng mga grumadweyt ngayong taon sa Marshall University sa US kung saan kasama ang kanyang pangalan.

Caption ng 11-year pro league veteran, “Better late than never.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dinagdag pa niya na nakatulong ang quarantine para matapos niya ang mga bagay na hindi niya nagawa noon. May 1 nang makapatapos ang basketbolista.

“I’m proud and giving myself a pat on the back for never giving up and finally getting it done! I’m officially a college graduate!” wakas na lahad ni Ross. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.