Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ross nanlibre sa kaarawan

0 287

Imbes na magarbong selebrasyon o inuman dahil milyonaryo naman, sa simpleng pakain sa isang restaurant na lang bilang pag-iingat sa pandemya ipinagdiwang Martes ni Philippine Basketball Association (PBA) star Christopher ‘Chris’ Ross ang kanyang ika-36 na kaarawan.

Kasama ng 6-foot-1 San Miguel Beer veteran combo guard sa kanyang selebrasyon ang dalawang tauhan niya na naging malaking tulong sa kanyang paninirahan sa ‘Pinas.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Ipinoste ni Ross ang larawan sa social media kung saan kasama niya sina Kat at Johnny. Nagpasalamat rin siya sa tulong ng dalawa sa kanya.

Caption ni Ross, “Got all these blessings just to give to others anyway. Took two people that have made my life so much easier over the years to one of my favorite steak spots for a pre bday dinner. Kat has been with me for 7 years and Johnny has been with me for about 6. They are both great to me so it’s only right for me to show my appreciation! #gratefulheart.” (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.