Abante Tonite Interactive

Ross, SMB humirit ng winner-take-all

291

Nananalasa ang quartet nina Chris McCullough, June Mar Fajardo, Chris Ross at Arwind Santos para makapuwersa ang San Miguel ng isa pang matira-matibay na laro para sa silya sa semifinals, nilansag ang NorthPort, 98-84, sa 44th PBA 2019 Commissioner Cup quarterfinals Linggo nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Lumaklak ng double-double sina McCullough – 24 points at 11 rebounds – at Fajardo ng 11 markers at 19 boards – habang bitin lang ng isang feed si Ross para sa sana sa twin-twin work din na may 18 pts. at si Santos ay naka-15 puntos.

Ibinagsak ng Beermen ang walong sunod na puntos tapos makalapit ang Batang Pier sa isang puntos na lamang sa 82-81 sa third period upang ibalik muli nito ang malaking 90-81 kalamangan bago na tuluyang sinungkit ang krusyal na panalo tungo sa knockout game sa Miyerkules.

“We try to test the team. We have into these kind of situation. It is just a testament to the team,” bulalas ni Ross para sa 7th seed niyang team laban sa 2nd seed Batang Pier.

Ilang beses pinilit ng Beermen na kumawala sa labanan na pinakahuli sa pagtatala ng 17 puntos sa 3:06 ng third quarter mula sa isang tres ni Marcio Lassiter, 71-54. (Lito Oredo)