Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ross, SMB kampi kay Jarencio

0 205

Clark Smart Giga City – Nakakuha ng kakampi si Pido Jarencio mula sa mga katunggali sa PBA sa inirereklamong tawag ng NorthPort coach sa dying seconds ng 70-68 loss sa Rain or Shine Linggo ng gabi.

“Ref talaga dapat magdecide kung sino ang mananalo? Kakadismaya…” tweet ng San Miguel Beermen.

“Let the players decide the game,” sundot ni Beermen guard Chris Ross.

Magkabuhol ang Batang Pier at Elasto Paiters sa 68, natawagan ng foul si Paolo Taha sa pa-drive na si Rey Nambatac 1.3 seconds na lang. Ipinasok ni Nambatac ang dalawang free throws para ilayo sa dalawa ang RoS.

“Ang labo n’yo,” sigaw ni Jarencio na umalingawngaw sa walang audience na Smart 5G-powered AUF gym.

Binalibag pa ni coach Pido ang kanyang whiteboard.

May huling tsansa ang Batang Pier pero inabot ni Javee Mocon ang 3-point attempt ni rookie Sean Manganti.

Nakakapit ang NorthPort sa kabila ng kinayang 2 points lang sa third quarter, record-tying sa all-time low sa isang quarter sa PBA history. Nilista na rin ito ng Ginebra (83-54 loss vs. Coke, April 6, 2003 All-Filipino) at Mobiline (71-69 loss vs. Sta. Lucia, Feb. 28, 2001 All-Filipino).

Nalaglag sa 0-3 ang Batang Pier. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.