Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rosser, tropa tagilid sa Hanoi

0 45

Mabigat ang nakaatang sa balikat nina 3×3 specialists Brandon Rosser, Jorey Napoles, Marvin Hayes at Reymar Caduyac sa pagsabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi sa Mayo 12-23.

Kinuha ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang mga bagong breed para ipagtanggol ang korona sa men’s 3×3 event sa Vietnam.

Kailangan nilang duplikahin ang gold medal finish nina CJ Perez, Chris Newsome, Jason Perkins at Mo Tautuaa noong 2019.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa edisyon na ‘yun ng biennial games na ini-host ng Pilipinas, pinakyaw ng Gilas men’s at women’s ang top podium finishes sa three-a-side at five-on-five.

Teammates sina Rosser, Napoles, Hayes at Caduyac sa Limitless Appmasters na kampeon sa PBA 3×3 Lakas ng Tatlo.

Sina Afril Bernardino, Janine Pontejos, Clare Castro at Camille Clarin ang magtatanggol sa korona ng Gilas Women sa 3×3. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.