Abante Tonite Interactive

Rotating brownout nakaamba — Tolentino

224

Nagbabala si administration senatorial bet Francis ‘Tol’ Tolentino na posible umanong magkaroon ng malawakang rotating brownout sa buong Metro Manila at mga karatig probinsya dahil sa papasok na ma­tinding tagtuyot na dala ng El Niño phenomenon.

Sa kanyang talum­pati sa Calamba City nitong Sabado ng gabi, iniha­yag ni Tolentino ang posibilidad ng pagkakaroon ng rotating brownout sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng mga dam na isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng supply ng kuryente.

“Bababa ang level ng water sa Angat Dam at maging sa La Mesa Dam, brownout sa Metro Manila,” paliwanag ni ­Tolentino.

Ayon kay Tolentino, dapat nang maglatag ng kanilang contingency plan ang Department of Energy (DOE) pati na rin ang National Transmission Corporation (TransCo), mga independent power producer at ang mga local power distributor, kabilang ang mga electric cooperative sa Luzon upang paghandain ang kanilang mga ­subscriber sa posibilidad ng pagkakaroon ng rota­ting brownout.

Paliwanag ni Tolentino, mas mataas ang demand ng kuryente kapag panahon ng tagtuyot dahil sa tindi ng init.