Abante Tonite Interactive

ROTC ipatupad ngayon na!

277

SULAT KAY EDITOR

Dear Abante Tonite,
Magandang araw sa mga mambabasa ng Tonite!

Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ng mga kabataan na kung tawagin ngayon ay mga millennial na mag-ROTC?!

Napakasimple lang naman ang gagawin sa ROTC. Isa pa matututo sila sumunod sa mga patakaran at magkakaroon pa sila ng common sense. Maganda pa nito ay magkakaroon sila ng kasanayan at karanasan bilang maging isang sundalo kahit na ilang taon lang sa kanilang pag-aaral.

Bakit hindi na lang sila sumunod, wala naman ginagawa ang mga millenials, puro lang sila nakaharap sa cellphone, sa computer, sa TV, pakikipaglandian, paglalakwatsa. Simpleng bagay lang itong ROTC na may maitutulong sa kanila sa hinaharap.

Nakakakagalit naman ang mga humaharang ng ROTC, mga kabataan na akala mo napakatalino… kung matalino kayo ‘wag ninyo na sayangin ang oras ninyo sa mga bagay na makakatulong sa pagpapalago ng kakayanan ng tao… at hindi naman nakakasira ng pagkatao ang pagsali sa ROTC.

Bega Pors ng Moriones, Tondo