Abante Tonite Interactive

Rousey bugbog sarado kay Flair

By
774

Lamog at duguan si RAW women’s champion­ Ronda Rousey nang tigilan ni Charlotte Flair sa co-main event ng WWE Survivor Series Linggo ng gabi sa Los Angeles.

Si Becky Lynch ang dapat ay katapat ni Rousey, pero inabot ng injury ang SmackDown women’s champion. Si Lynch pa ang pumili kay Flair bilang kapalit.

Una-mukha na isina­laksak ni Flair si Rousey sa bottom turnbuckle, bago pinagdiskitahan ang hita ng champion para ihanda sa kanyang submission move na Figure Eight leg lock.

Abante Hiring – IT dep

Sargo ang dugo sa bibig ni Rousey nang sikuhin ni Flair habang nagbubuno sa canvas.

Sa labas, pinagba­libagan ni Rousey si Flair sa barricades, buma­lik sa ring ang dalawa at nagpalitan ng strikes.
Pero hindi natapos ang bout dahil iba ang plano ni Flair, nasa labas sila ng ring nang humugot ng kendo stick sa ilalim at pinaghahambalos sa likod at braso si Rousey.

Disqualified si Flair, pero hindi doon natigil sa kanyang bayolenteng laro.

Duguan na si Rousey, hindi siya tinigilan ng katapat.