Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roxanne 2 beses wedding proposal

0 119

NI: VINIA VIVAR

Ang daming nagulat sa pasabog ni Roxanne Barcelo nitong araw mismo ng Kapaskuhan.

Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account na ikinasal na siya at kasabay din nito ang pagre-release niya ng kanyang vlog sa YouTube kung saan ay ibinahagi niya ang 12 updates sa kanyang buhay.

Nag-post si Roxanne sa IG ng dalawang wedding photos nila ng asawa na hindi niya na sinabi kung sino at hindi rin makita sa larawan ang mukha dahil nakatalikod ito.

Sa kanyang vlog ay ikinuwento niyang dalawang beses daw nag-propose sa kanya ang guy.

“It was such a beautiful moment because he asked me twice. He actually asked me a few months after quarantine. Pero since naka-lockdown pa noon, all we knew was we were going to get married before the year ends.

“Totoo pala ‘yung ‘when you know, you know.’ I knew from the start na siya ‘yung para sa akin,” sey ni Roxanne.

‘Yun nga lang, everybody’s asking kung sino ang guy since wala siyang detalyeng ibinigay at ni hindi niya nga pinakita ang mukha. But base sa larawan kahit nakatalikod, mukhang gwapo naman ang guy, matangkad pa at maganda ang pangangatawan.(Vinia Vivar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.