Abante Tonite Interactive

Roxanne ‘di pagsasawaang papakin

By
1,602

Kahit nagseseksihan at makinis ang mga kutis ng mga co-star niya sa pelikulang “Abay Babes”, hindi papakabog sa paangasan ng alindog si Roxanne Barcelo.

Mahirap isantabi ang bangis ng kaseksihan ni Roxanne lalo’t siya ang maituturing na tunay na Pinay beauty.
Sa mata ng mga kalalakihan, ang alindog ni Roxanne ay mas masarap pa sa “adobo” ng Pinoy. Kahit araw-arawin ay hindi mo pagsasawaang papakin.

Ang kaseksihan ni Roxanne ay maihahalintulad sa isang trade mark ng Pinas na pang-world class.

Maging ang mga kasamahan niya sa “Abay Babes” na sina Cristine Reyes, Nathalie Hart at ang beauty queen na si Kylie Versoza ay humahanga sa kanyang kagandahan.

Iisa ang kanilang des­kripsyon. Itinutu­ring na asset nito ay ang kanyang tayong-tayo at perfect shape na boobs.

Abangan si Roxanne sa pelikula dahil kahit anong itsura nito sa “Abay Babes”, lumulutang pa rin ang kanyang kaseksihan at alindog. Siya ang pinaka-chaka sa kanilang magkakaibigan sa movie, pero hindi naman pahuhuli ang kanyang kaseksihan.

Ang “Abay Babes” ay sa ilalim ng direksyon ni Don Cuaresma. Sho­wing ito sa September 19.