Abante Tonite Interactive

Roxanne, Thor, Justin pasok sa ‘TNT Celebrity Champs’

754

Isang espesyal na edisyon ng “Tawag ng Tanghalan” ang pangmalakasang handog ng “It’s Showtime” para sa ika-sampung anibersaryo nito sa pagtatanghal ng iba’t ibang celebrities para magbigay-saya at magpabilib sa madlang people.

Gamit ang kanilang tinig, nagsimula nang mag-sample ang 24 stars sa “Tawag ng Tanghalan: Celebrity Champions,” ngunit dapat pang abangan ang pagpapakitang gilas nina Ara Mina, Ethel Booba, Marlo Mortel, Pepe Herrera, Patricia Javier, Guji Lorenzana, Mike Luis, Jimmy Marquez, Alex Castro, Ana Ramsey, Songyupsal, at Anton Diva.

Araw-araw, apat na celebrity contenders ang nagtutunggali at ang mananalo naman ang papasok sa finals. Sa ngayon, pasok na rito ang singer-actress na si Roxanne Barcelo, vocal coach at dating “The Voice of the Philippines” alumnus na si Thor Dulay, at “The Voice Kids” grand finalist at “Your Face Sounds Familiar Kids” performer na si Justin Alva.

Gaya sa normal na kumpetisyon, kailangang maging maingat sa pag-awit ang celebrity contenders para makaiwas sa gong.

Nagsimula ang “Celebrity Champions” noong Lunes (Oktubre 7) at sumalang na sa hamon ng tanghalan ang BoybandPH member na si Niel Murillo, “It’s Showtime” dancer na si Stephen Robles, former “That’s Entertainment” star na si Shirley Fuentes, “Mr. Pastillas” Chard Ocampo, dating “Pinoy Dream Academy” first runner-up Jay-R Siaboc, actor-composer Lance Raymundo, aktor at viral sensation na si CJ Navato, singer na si Geoff Taylor, at actress-cosplayer na si Myrtle Sarrosa.

Ito ang handog ng “It’s Showtime” bago magsimula ang ikaapat na taon ng “Tawag ng Tanghalan” at bago ang inaabangang Magpasikat competition ng hosts ngayong buwan. (Roldan Castro)