Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roxanne tinatago ang mister

0 135

Ni: ARCHIE LIAO

Umani ng samu’t-saring reaksyon ang pasabog ang naging pasabog ni Roxanne Barcelo na kasal na siya sa kanyang non-showbiz partner.

Aniya, dalawang beses itong nag-propose sa kanya bago naganap ang kasalan.

Naging palaisipan naman ng ilang netizens ang ginawa niyang pagbabahagi ng larawan ng kanilang pag-iisang dibdib ng mister.

Bagamat bumuhos ang pagbati, hindi naiwasan ng ilang bitchy netizens ang magkomento rito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi pa kasi niya ipinakikilala sa publiko kung sino ang kanyang napangasawa.

Maging sa mga litratong ibinahagi niya ay likod lamang ng asawa niya ang makikita.

Nagdududa tuloy ang ilan kung talagang proud ba ang aktres sa napangasawa o baka raw gusto niyang itago ang mukha ng partner niya?

Sa kanyang kuwento, ibinahagi ni Roxanne kung paanong iniligtas ng asawa ang kanyang nanay sa kasagsagan ng pagbaha noon.

Kuwento niya, binuhat daw nito ang ina para mailikas sa tumataas na tubig-baha sa kasagsagan ng bagyong Ulysses.

Ibinida rin niya na babalik na siya sa paggawa ng vlog na pansamantalang nahinto dahil nagkaroon ng problema ang kanyang editing team.

Leave A Reply

Your email address will not be published.