Abante Tonite Interactive

Roxanne tinuksong mataba, laspag

By
2,635

ANG kapal ng mukha ng netizens na nag-body shame kay Roxanne Barcelo. May nagsabi nga na kesyo ang taba, laspag na ang kaseksihan ni Roxanne.

Mabuti na lang, super supportive ang fans ni Roxanne, kaya sa halip na ang idol nila ang pumatol sa bashers na ayaw namang magpakilala, sila na mismo ang lumaban. Si Roxanne, natawa na lang, dahil bakit nga naman niya papatulan ang mga bintang na hindi naman totoo.

aijhen01 “Hey! Tigna mo muna sarili mo sa salamin bago mo sabihing parang nalaspag si Natalie. Look at yourself!”

“Kapag naman na sabihing fat si Roxanne. Super sexy kaya siya. Inggit lang kayo sa kaseksihan niya!” sabi naman ni doodaypillas.

Well, kung makikita niyo sa personal si Roxanne, isa lang ang puwede niyong sabihin, na dyosang-dyosa pa rin talaga siya. Remember, isang sexy feeling sikat na sexy star ang na-insecure kay Roxanne, na sinabihan nga siyang hindi siya mahusay umarte.

Nagkamali ang feeling sikat na sexy star na ‘yon, dahil si Roxanne, humamig ng papuri sa acting niya sa Wildflower. Aba, hindi madali para sa isang aktres ang makipagtalakan, makipagpatalbugan ng acting sa mga katulad nina Aiko Melendez at Maja Salvador, ha!