Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roxas Boulevard ire-rehab ng MMDA, DPWH

0 159

Isasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bahagi ng Roxas Boulevard malapit sa Libertad Pumping Station sa Pasay City para sa rehabilitasyon ng mga lumang drainage nito.

Sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos Jr. sa isinagawang inspeksiyon sa istraktura na kinakailangan umano nang agarang pagsasara ng southbound portion ng Roxas Boulevard.

Aniya, lumikha ng matinding pinsala sa drainage culvert ang mga mabibigat na sasakyan at truck na dumadaan sa naturang bahagi ng Roxas Boulevard at pinangangambahan na bumagsak ang estruktura kapag hindi agad nakumpuni.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na posibleng isara ang southbound portion sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Sa sandaling isara pansamantala ang lugar ay kinakailangan gumamit ng alternatibong ruta ang mga motorista.

Malaking tulong naman umano kapag nakumpuni ang drainage para hindi na magbaha sa lugar. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.