Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roxas, Regala wagi ng gold

0 84

Kinopo ni Matthew Cloyd Roxas ng College of Saint Benilde ang gold medal sa 96th National Collegiate Athletic Association 2021 taekwondo speed kicking senior men’s middleweight division laban sa pitong karibal sa naitalang 6.408 points Lunes.

Nagkasya sa silver si JV Anthony Villaron ng CSB sa 6.383 at sa bronze si Terrence Ciriaco ng Arellano University sa 6.033.

SM food to go Banner Ad

Ikaapat-ikawalong puwesto sina Gabriel Teruel ng San Beda University (5.922), John Azriel Reyes ng San Sebastian College (5.900), John Queneth Malaga ng Colegio de San Juan de Letran (5.867), Josephose Glomo (5.792) at Jared Dennis Pasiliao ng AU (5.233).

Sa senior men’s welterweight, 1-2-3 sina Blazer Mikko Michael Regala na may 6.700 markers, Alfritz Victoria Arevalo ng SBU na naka-6.517, at Christian Dave Tayris ng AU na umiskor ng 6.483. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.