Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roxie game sa sabong kay Rabiya

0 137

NI:VINIA VIVAR

Isa si Miss Earth Philippines 2020 Roxie Baeyens sa 17 new fresh faces na pumirma ng management contract sa Cornerstone Entertainment.

Naganap ito last Monday held at the Academy of Rock Studios sa Quezon City.

Masayang-masaya ang dalaga dahil noon pa raw ay gusto na niyang maging aktres.

In fact ay naging theater actress muna siya bago naging beauty queen.

“More than pageantry, I really love acting more. I used to be a theater actress and it’s really the career I want to pursue. Like I’m grateful for my time being a beauty queen but I really wanna be an actress also,” sey ni Roxie nang makapanayam namin matapos ang contract signing.

Ngayong finally ay unti-unti nang natutupad ang dream niya na maging aktres sa tulong ng CS Entertainment, marami rin daw siyang dream na makatrabaho at unang-una sa kanyang listahan ay si Piolo Pascual na celebrity crush din niya.

“Kasi he can play any role. I would love to be kahit ka-loveteam, pwede pa ba?” sey niya sabay-tawa.

Ibinalita rin ni Roxie na may first lead role na siya sa isang teleserye na sisimulan next year at ieere naman sa Iflix.

“We’re gonna be shooting January. So, it’s gonna be with a famous leading man and it’s both like kind of pressuring but exciting coz I’m gonna work with a really big star,” pagbabahagi ni Roxie.

Ayaw pa niyang sabihin kung sino ang leading man na ito at bawal pa raw.

At dahil parang sila ni Rabiya Mateo ang maituturing na magkasabayan since nanalo rin ito last year sa Miss Universe-Philippines naman, willing ba siya na silang dalawa ang pagsabungin sa showbiz ngayong artista na sila pareho?

“Oh I would love to work with Rabiya. Like you know, more than a beauty queen, she’s also a versatile actress. Di ba lumabas siya lately? And sana magka-work naman kami soon,” sabi ni Roxie.

Hindi lang sila basta magkakilala raw ni Rabiya kung magkaibigan pa sila kaya wala raw kumpetisyon sa kanila.

“So, it’s never gonna be a competition, we will be supporting each other,” saad ng dalaga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.