Abante Tonite Interactive

Roy Kim pinapatalsik sa US university

398

Kasalukuyang nag-aaral sa Georgetown University sa America si Roy Kim. Pero nasangkot ang pangalan niya sa scandal ngayon sa South Korea. Kinaila­ngang bumalik ni Roy sa kanyang bansa para sa kanyang police investigation.

Natuklasang dawit din ang Korean singer sa private chat room scandal na kinabibilangan din nina Seungri, Jung Joong-young at ibang celebrities.
May ilang estudyante na rin sa Georgetown University ang nagpapalaganap ng petition laban sa Korean singer.

Tulad na lang ng estudyante na si Finn Thompson. Nagsimula ang petition noong April 8 calling out the University President, John K. De Gioia, na i-suspend daw si Roy Kim hanggang hindi pa siya nabibigyan ng formal charges. I-expel din daw ito kung sakaling convicted nga.

Ayon dito, “I think that the university does have a responsibility to take a position, even if it is against the student, and not condone this kind of behavior.”