Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rozz excited sa bagong kanta

0 78

Ilulunsad ang bagong kanta ng Soft Rock Diva na si Rozz Daniels ngayong 2021.

Ito ay pinamagatang ‘Napamahal Nako’ na ginawa para sa kanya ng mahusay na composer na si Adonis Tabanda.

Lahad ni Rozz sa isang interbyu, halos araw-araw raw ay nagpapraktis siya para makanta nang maayos ang kanyang first song na malapit nang ma-release.

“I practice everyday for this song. I look forward to having everyone hear this original Pinoy song ,” sambit niya na super excited.

Nagpapasalamat din si Rozz sa kanyang manager-discoverer na si Total International Entertainer Nick Vera Perez sa pagtulong para makamit niya ang kanyang pangarap na maging singer.

Happy rin ang nasabing Soft Rock Diva na naisama siya ni NVP sa show nito sa KUMU para kahit paano ay malibang siya ngayong pandemya at maipakita sa lahat ang kanyang talent sa pagkanta.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kwento nga ni Rozz, bata pa lang daw ay marami na siyang nasalihang amateur singing contests.

“I’ve been singing since I was 8 years old. Then at 10, I joined a choir.”

Dagdag pa nito, ang kanyang namayapang ama raw ang nag-udyok sa kanyang kumanta pero nahinto siya dahil maaga siyang nakapag-asawa.

Bumalik siya sa pag-awit dahil nais niyang pagbigyan ang huling wish ng kanyang ama na kumanta muli para maipakita sa lahat ang kanyang talento.

At dahil matagal na rin namang umaawit, may payo si Rozz sa mga baguhang singers, “Keep on singing and don’t stop believing!”

Abangan ang mga gagawing show ni Rozz sa pag-uwi niya rito sa bansa sa 2021 para sa promo ng kanyang bagong kantang ‘Napamahal Nako’ kasabay ng pagbabalik-Pinas din ni Nick Vera Perez para sa kanyang gaganaping concert sakaling pwede na at wala na ang pangambang dulot ng Covid-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.