Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rozz wagi sa Phoenix Excellence Award

0 193

NI: ROLDAN CASTRO

Nagkaroon ng press conference si Rozz Daniels kamakailan. Kararating lang niya galing sa Wisconsin Unites States of America (USA).

Kasama ni Rozz sa mediacon ang kanyang grupo sa The Rocks and Rozz Kumu show na sina Jerome Sangalang, Harold Evangelista, Derf Dwayne, Analyn Torregosa. Nagsilbing host naman si Blessie Cirera.

Pasabog ang mga sampol nilang kanta pagkatapos ng Q & A.

Napakasaya ang naging pagtatanghal nila during their performance at talaga namang pang-world class ang mga talent nila.

Sobrang saya rin ng grupo at walang ilangan dahil first time nilang magsama-sama sa face to face event. Lagi lang sa Kumu ang bonding nila.

SM food to go Banner Ad

Samantala, nakatakdang ilunsad ang debut single ni Rozz entitled “ALAY SA IYO” na ang composer ay Ms. Ivy Violan. Susundan pa ito ng kantang ‘Bakit’ na sinulat naman nina Rannie Raymundo at Ivy.

Kamakailan ay pinarangalan din si Rozz bilang “Outstanding International Female Performer” ng PMPC Star Awards for

Music 2021.

Tumanggap din siya ng pagkilala sa Phoenix Excellence Award 2021 for Entertainment as the “Most Promising Female Pop Rock Diva of the Year”.

Ang Phoenix Excellence award ay gaganapin sa Resorts World Manila – Newport Performing Arts Theater sa February 18, 2022.

Abangan din ang Philippine Concert Tour ni Rozz at upcoming album niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.