Abante Tonite Interactive

RR hindi pabaya sa katawan

646

Kahit lie low muna sa showbiz si RR Enriquez, makamandag pa rin ang alindog nito. Lutang na lutang ang kanyang kaseksihan sa kanyang summer bakasyon sa Boracay.

Si RR ay dating co-host ng “Wowowee” at naging mainstay ng “Banana Split.”
Bago siya nagpahinga, nagkaroon din siya ng morning show sa TV5.

Wala ba siyang balak mag-active ulit sa showbiz?

“Baka bumalik ako. Pero next year na? Nagwu-workout pa ako eh para pagbalik ko matuwa naman ang tao na walang nagbago sa akin. Mas lalo pa ako naging sexy and maganda,” tsika niya nang maka-chat namin.

“Joke lang. No plans pa ako talaga. Business muna,” pagbawi niya.

Anytime na bumalik si RR sa showbiz ay keri pa dahil hindi siya nalosyang. (Roldan C­astro)