Abante Tonite
Mabilis sa Balita

RR naawa kay Mark Herras

0 329

NI: ARCHIE LIAO

Hindi mapigilang maglabas ng kanyang opinyon si RR Enriquez kaugnay ng pangungutang ni Mark ng P30K para panggatas ng anak. Naawa siya sa aktor.

Ani RR, bilang manager ni Mark sana ay hindi na pinahiya ni Manay Lolit ang pang-hiram ng aktor na para naman umano sa pambili ng gatas ng anak niya.

Binanggit din ng dating TV host-comedienne na malaki naman ang kinita niya bilang talent manager ni Mark.

Ito ang bahagi ng teksto ng kanyang post sa Instagram.

“Totoo ba ito? Kung totoo man. Gusto ko makisawsaw.

“ I feel sorry for Mark Herras! Imagine he trusted you bilang manager nya. Nanghiram sayo ng 30k kasi lugmok yung tao tapos ikaw lalo mo pa nilugmog sa kahihiyan.

“Sabihin natin may mali yung tao, hindi nag ipon. Naging pabaya nung time na kasikatan nya etc. pero kailangan mo ipangalandakan na wala syang 30k???

“Lahat tayo may pinagdadaanan. Sure ako hindi lang si Mark ang nangangailangan ng pera sa mga artista.

Pero sana imbes pagpyestahan natin, tulungan natin. Hindi nya naman gusto gamitin ito sa masamang paraan. Pang dede nga daw ng anak oh!!!!!

Leave A Reply

Your email address will not be published.