Abante Tonite Interactive

RR nakakagigil ang biyas

841

Hanep ang kariktan ni RR E­nriquez. Kahit iniwan niya ang showbiz at nag-focus sa negosyo, na-maintain pa rin niya ang kanyang kaseksihan.

Nakakagigil sa kinis at hubog ang kanyang mga biyas, na isa sa mga weakness ng mga kalalakihan.

Nagbunga rin nang maganda ang desisyon niya na magseryoso sa lovelife niya. Umabot na pala ng sampung taon ang relasyon nila ng dating basketbolista na si Jayjay Helterbrand.

“Praise God. Feeling ko kami na nito,” saad niya nang maka-chat namin sa Facebook.

Happy at contented si RR sa buhay. Abala rin siya sa kanyang negosyo na Rejuva Nail Spa and Skin Care na matatagpuan sa Timog Avenue, QC. (Roldan Castro)