Abante Tonite
Mabilis sa Balita

RR sagana ang hinaharap

0 765

May future si RR Enriquez kahit sarado na ang ABS-CBN 2. Nag-focus kasi siya sa negosyo nu’ng mag-lie low siya sa showbiz.

Sagana na ang hinaharap niya kahit hindi siya mag-artista. Hindi na siya magugutom . CEO siya ngayon ng Cryolipo coffee and milk tea by Rejuva, Rejuva Aesthetics Laser Center sa Timog, QC at Pampanga. Meron din siyang franchise ng JTS Manukan sa Angeles.

Keri din ni RR na maging modelo ng kanyang Cryolipo coffee and milk tea dahil walang kupas ang kanyang kaseksihan at alindog.

Post ng aktres sa kanyang tarpaulin, “Sobrang laki po nyan. Kasing laki ng frog .Pwede nyo idisplay sa labas ng bahay nyo panakot sa daga CHERET.Syempre para alam nila na nagbibenta kayo ng Cryolipocoffee and Milk tea.”

Si RR ay dating Kapamilya at nandoon ang simpatya niya sa nangyari sa istasyon.

Lahad niya sa IG.“This is heart breaking. Ako ay isang Produkto ng ABS-CBN. From White Castle to Money girl turned Host ng Wowowee, Bananasplit main cast and Pabida ka Host.

“ABS-CBN (Wowowee) din ang unang nagdala sa akin sa US kaya never ko makakalimutan ang show na ito!!! Sobrang saya at ganda ng experience ko sa ABS-CBN .

“God use this company para maging daan at marating ko kung ano man ang meron ako ngayon. At kahit wala na ako sa showbiz, nagagamit ko pa rin ang pribilehiyo na yun, na galing ako sa ABS- CBN.13 years na ang nakakalipas but some people still recognized me by saying RR ng Wowowee or RR ng Banana Split.

“Patuloy pa rin akong natutulungan ng kumpanyang ito, lalo sa aking businesses. Dahil mas madaling magtiwala ang tao sa akin dahil alam nila na galing ako ng ABS-CBN.

“Walang company na perfect! Kung sa tingin nyo na meron sila naagrabyado, sana maisip nyo na meron din silang natulungan. Even ang President natin hindi perpekto, pero gusto kong maniwala na inaayos nya yung feeling nya na hindi tama sa pagkatao nya. Ganun din ang ABS-CBN. Kahit ikaw ganun ka rin siguro… Yes ikaw na nakakabasa nito!!

“Sa mga taong nasa likod ng pagsara ng ABS-CBN, wala po kayong pinagkaiba sa isang kumpanya na nang-agrabyado rin ng mga tauhan nila. Dahil sa pagpapasara n’yo at sa kagustuhan n’yo na matanggal ang ABS-CBN… 11,000 workers lang naman din ang inagrabyado n’yo .

“Ngayon nyo pa talaga ginawa yan. Ngayon na alam nyong hirap na hirap ang tao kung saan kukuha ng panggastos dahil sa pandemic na nararanasan natin.

“Sa mga artistang kaibigan ko na nasa ABS-CBN at sa mga staff ng ABS-CBN na hanggang ngayon kaibigan ko pa rin. (at kahit hindi ko kilala) .Kapit lang po kayo. Panghawakan nyo po and mga salitang ito!!! Romans 12:19 Do not take revenge, my dear friends, but leave room for God’s wrath, for it is written: “It is mine to avenge; I will repay,” says the Lord.
“God bless everyone.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.