Abante Tonite Interactive

RS may kasamang hubo’t hubad na lalaki

1,772

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Eksenadora! Kabogera! Estrella! Best in paandar at payanig! Ang diva that you love, iyan ang mga thought balloon dahil nga kahanga-hanga talaga ang photos for auction para sa paparating na M. Butterfly na ipapalabas mula Setyembre 13 hanggang 30 sa Maybank Performing Arts Theater, BGC Arts Center, Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Ang pahayag nga ni Jhett Tolentino, producer, “We are doing the performances, Broadway style. We are sho­wing from Tuesday to Sunday. We have a matinee and gala show. And we are happy to announce that we already have sold out shows.”

Matapos ang halos dalawang dekada, muling gagampanan ni RS Francisco ang katauhan ni Song Liling, ang Chinese opera singer na aakit kay Rene Gallimard, na bibigyang buhay naman ni Olivier Borten sa direksyon ni Kanakan-Balintagos.

Habang ginaganap ang palabas, may photo exhibit na Chrysalis kung saan bidang-bida ang “pagkababae” ni Song Liling.

Ang mga larawan ay likha ng Magnificent 7 na kinabibilangan nina Jun de Leon, Raymund Isaac. Manny Librodo, Mandy Navaserro, BJ Pascual, Wig Tysmans at Patrick Uy, pitong master photographer, na libreng binigay ang kanilang panahon at serbisyo.

May silent auction para sa mga litrato, na P50,000 ang starting bid ng bawat isa at ang mga maiipong halaga ay ibibigay sa mga piniling foundation ng bawat master photographer.

Ang best in agaw-eksena sa mga larawan na sa true lang ay paborito ko, ang The Way Of All Flesh na larawan ni Mandy Navasero.

Kasi nga, hubo’t hubad rito ang bidang la­laking si Olivier Borten, nakadapa nga lang at kasama sa kama si Song Liling na ang emote, parang may after glow, huh! Kung si Borten, pumayag na mag-pose na nakatihaya siya at in full display ang kanyang French phallus, ay super bid talaga ako, agad-agad! Hahahaha!

Kuwento nga ni Francisco, “Ang photo na iyan, kahit artistically done, we were asked to take it down dun sa video being shown in strategic areas sa BGC. Our attention was called, kaya we had no choice kahit pa nga maikli lang naman ang exposure sa video of the photo.”

Sa Rhapsody in Blue naman na si Jun de Leon ang may likha, underwater posing ang drama.

Kuwento nga si RS, “Hindi ako marunong lumangoy pero nung sinabi ni Jun na underwater ang drama namin, napa-yes pa rin ako. How do I say no to Jun de Leon? Aarte pa ba ako? Hahahaha. Yung obi ko, may mga tinggang inilagay para lumubog ako kasi nga because of the water’s buoyant force, lulutang ako talaga. Pati ‘yung edges of may kimono, may pabigat. I think it took us 10 photos at sampung paglubog bago ako nakapag-emote na tama.”

Ang iba pang mga litrato ay Ingenue ni Raymond Isaac, Sweet Deception ni Manny Librodo, An Untitled Song ni BJ Pascual.

The Chrysalis ni Wig Tysmans at The Splendor of M ni Patrick Uy.

Pahayag ni Francisco, “Di ba lahat naman tayo may mga pambato sa buhay. Para sa akin, ito ‘yun. Pambato ko ito. When I first portrayed the character, I was only 18 years old. Now that I am more mature, mas maraming experiences na pinagdaanan, mas alam ko na how to this and that scene without having to resort to just imaginng the feelings or emotions.”
Sabi niya pa, “Kung sakaling kilala or naging kaibigan ko si Song Liling, ang tinatanong ko sa kanya, how did he pull off the deception? Kasi nga, 20 years siyang tumagal. Hats off sa kanya for being the perfect woman to the eyes of the French man who obviously was not only in love, obssessed siya kay Song. Bongga yun di ba, yung alam mong mahal na mahal ka na kahit parang alam na niya ang totoo, he decided to see the truth through his heart.”
Kasama rin sa cast sina sina Pinky Amador, Norm McLeod, Lee O’Brian, Mayen Estanero, Maya Encila, at Rica Nepomuceno (bilang Opera Singer).
Strictly for adults ang dulang M. Butterfly dahil hindi lang mapahangas ang tema nito, may mas kawindang-windang pang tagpo na talagang maaring bumigla o makapagdabog ng bangs.