Abante Tonite Interactive

RS todo ang paghuhubad kay Joshua

911

Rodel Fernando: Hanggang ngayong Sunday na lang ang pinakamagastos, kontrobersyal at matagumpay na pagsasadula muli sa Pilipinas ng “M Butterfly”. Mapapanood ito sa Maybank Performing Arts Theater, BGC Arts Center, Bonifacio Global City. Pinagbibidahan ito ni Raymond ‘RS’ Francisco.

Hanggang ngayon, marami pa rin ang hindi maka-get over sa bandang huli ng dula dahil sa frontal nudity ni RS. Hindi lang ito saglit kundi babad na babad na nasilayan ang kanyang hinaharap. Gayun­paman, lumabas pa ring hindi bastos ang eksenang iyun dahil sa kagandahan at kalidad ng stage play. Sabi nga, for art’s sake kaya walang pakundangang ginawa ‘yun ng kilalang stage actor. Hindi naman ginawa ‘yun dahil sa pera kundi malinaw na for the sake of art ito.

Kung halimbawa kayang ang crush niyang si Joshua Garcia ang kapareha niya sa natu­rang play? Mas todo kaya ang pag­huhubad ni RS? Palagay mo, Rommel Placente?

Rommel Placente: Bongga talaga ang stage play na ito ni RS, friend Rodel. Bukod nga sa talagang ginastusan ito, ay pinahanga niya kami sa lakas ng loob niya na magpakita ng ­hinaharap.
Ginawa niya ‘yun dahil kailangan talaga sa eksena..Hindi lahat ng artista ay makakaya ang ginawang frontal nudity ni RS. Isa talaga siyang tunay na alagad ng sining.
And in fairness, ang husay niya sa “M Butterfly” huh! ‘Di siya nag-buckle kahit mahahaba ang linya niya.

Saludo talaga ako sa pagiging mahusay ­niyang aktor.

Mildred Bacud: Kaya naman no less than the creator of “M Butterfly” play na si David Henry Hwang ay nasa Pilipinas to grace the finale on ­Sunday. Ganu’n na lamang ang pressure kay direk RS Francisco na inamin niyang goosebumps siya nang makilala si Mr. Wang.
About the frontal nudity. It was done beautifully, so artistic at hindi bastos. Marami nga ang nag-abang ng scene na ito at kung paano maitatawid. When we watched it, napasigaw ako nang kaunti and while RS delivering his lines,can’t help but to admire him as an actor. Undaunted by the reaction of the people watching in the theater while naked, masasabing he managed his acting very well as Song Liling.
Kaya kung nanalo mang Best Actor for his movie “Bhoy Intsik”, walang dapat ikataas ng kilay ang iba kung meron man dahil mas mahirap pa ngang umarte sa teatro kesa sa pelikula dahil walang cut and most of our character actors ay galing sa teatro.

Ronaline Avecilla: Talagang all-out ang performance ni RS. Maituturing nga na masterpiece ang pag-arte niya. Everything was so perfect pero mas magiging bongga sana kung hot and yummy ang naging ­leading man.
Mas bongga ang impact kung gwapo ang leading man, tiyak mas marami ang manonood kung may edad pero hunky. Kumbaga, convincing ang leading man at hindi nangangapa.
Pero talagang maganda ang mga naging review at mapapalakpak ka sa iba’t ibang elemento ng sining na nakapaloob sa “M Butterfly”.