Abante Tonite
Mabilis sa Balita

RSA, 4 iba pa pasok sa ‘Forbes’

0 179

Pasok ang limang businessmen-sportsmen sa pangunguna ni Ramon S. Ang sa mga 17 bilyonaryo sa ‘Pinas, base sa listahan ng Forbes magazine para sa taong 2021 na mga tumaas ang mga ari-arian sa kabila na may Covid-19.

Nasa ika-11 puwesto si San Miguel Corporation Vice-Chairman, President at Chief Operating Officer Ang na may kayamanang $2.2B (₱107B) at may tatlong team sa Philippine Basketball Association.

Ang iba pa ay sina Enrique Razon Jr. ng ICTSI na pangalawa na may $5B (₱243) at ninong ng pro golf; Lucio Tan ng PAL, ABI at UE na suportado ang Batangas sa Maharlika Pilipinas Basketball League ma pangatlo sa $3.3B (₱160B);

Hans Sy ng SM at NU na pang-apat na may $3B (₱146B)at iniangat ang sports program ng Bulldogs; at Inigo Zobel ng Ayala Corp. na ika-12 na may $1.4B, may polo field sa Batangas at tumutulong sa tennis.

Una sa bansa si dating Sen. Manuel Villar na may $7.2B. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.