Abante Tonite Interactive

RSA binigkis ang 3 team para sa mga frontliner

566

Magkakaribal sa court ang tatlong teams ng San Miguel Corp. sa PBA, pero pinag-isa ni owner Ramon S. Ang para sumaludo sa frontliners na sumasagupa sa coronavirus disease 2019 pandemic.

Ang mga bayani ng hardcourt, nagbigay ng mensahe para sa mga bayaning lumalaban upang makontrol ang COVID-19.

Sabay-sabay naglabas ng videos ang players ng San Miguel Beermen, Ginebra at Magnolia Hotshots para palakasin ang loob at purihin ang mga bayani.

“Salamat sa sakripisyo n’yo,” ani San Miguel big man June Mar Fajardo, ang tanging six-time MVP ng liga. “Kayo ang tunay na Most Valuable Players naming Pilipino.”

Hinimok ni LA Tenorio ng Gins na tulungan ang nurses, doctors at lahat ng frontliners, kasabay ng panawagan sa publiko na manatili sa mga bahay-bahay.

“Sana araw-araw ay magkaroon sila ng lakas para maproteksiyunan ang ating bansa,” aniya. “Makakaasa po kayo na ang mga ka-Barangay n’yo sa Ginebra ay patuloy na tutulong para mabawasan ang inyong mga iniisip sa pang-araw-araw.”

“We appreciate all your efforts and sacrifices. Hindi madali ‘tong ginagawa n’yo. For us, as a team, we will continue to support you and help raise funds para makatulong kami. We will get by this.” – Mark Caguioa.

“Salamat sa inyong sakripisyo at pagmamalasakit. Higit sa lahat lagi kayong kasama sa aming panalangin.” – Terrence Romeo.

“A quick shoutout to the frontliners risking their lives for the country and for the people. You guys, I can’t say ‘unsung heroes’ anymore because everybody’s recognizing the sacrifice that you do. Keep up doing a great job. Be careful, stay protected, stay smart. God bless.” – Joe Devance.

“Kayo ang tunay na matatapang.” – Gin Kings team Alfrancis Chua.

Sumaludo rin sina Prince Caperal, Japeth Aguilar, Scottie Thompson ng Ginebra; Marcio Lassiter, Chris Ross ng SMB; assistant coach Johnny Abarrientos, Ian Sangalang, Mon Abundo, Rome Dela Rosa ng Hotshots.

Ang mag-asawang Marc Pingris at Danica Sotto, may mensahe rin.

“Alam namin na sobrang pagod na kayo at hindi n’yo rin po nakikita ‘yung family n’yo. Sobrang salamat po dahil alam naming sobrang hirap ng ginagawa n’yo. Nand’yan talaga ‘yung puso n’yo na tumulong sa mga tao.” – Pingris.

“Sa lahat ng medical workers, doctors, nurses, lahat kayo, salamat.” – Danica.

“Salamat po sa sakripisyo ninyo. Kami po ay patuloy na magre-raise ng funds para sa inyo. … Kayo po ang tunay na hero.” – Paul Lee.

“Ako po at ang aking buong pamilya ay patuloy na magdarasal na bigyan kayo ng lakas at talino na sugpuin ang kumakalat na virus. Saludo kami sa inyo.” – Arwind Santos. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad