Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bukod sa P10M! Hidilyn may bonus pa kay RSA

0 124

May dagdag pang pangkabuhayan ang P10M pabuya ni San Miguel Corporation (SMC) president Ramon S. Ang kay 2020+1 Tokyo Summer Olympic Games women’s weightlifting 55kg class gold medalist Hidilyn Diaz.

Ipinagkaloob Martes ni RSA sa atleta ang ₱10M check niya at ipinahayag ang kasamang dalawang Chick ‘N Juicy chicken rotisserie franchise outlets mula San Miguel Foods, Inc. na nasa Eastwood City, Libis, Quezon City at sa home province niyang Zamboanga City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“With the franchise outlets, we will assist Hidilyn every step of way in her journey as an entrepreneur so that she can also help other people in need of jobs. In addition to the physical stores, equipment, and training, we will also provide the initial stocks for free to get her started,”ani Ang.

Kasabay nito, hinikayat ni RSA ang 30-anyos na dalagang sundalo na sungkitin ang pangalawang gold niya at ng bansa sa 33rd Summer Olympics sa Paris sa 202, ang ika-100 taong paglahok ng ‘Pinas sa quadrennial sports festival. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.