Abante Tonite
Mabilis sa Balita

RSA kasado kahit magastos 3 team

0 301

Inamin ni San Miguel Corporation (SMC) big boss Ramon S. Ang na malaki ang gastos ng kompanya para mapanatili ang tatlong team sa Philippine Basketball Association.

“To tell you the truth, ang laki ng ginagastos sa basketball,” saad ng businessman-sportsman sa isang forum nitong Biyernes, kung saan hindi naman niya siniwalat ang ang milyones halagang nagagastos ng SMC para sa San Miguel Beer, Barangay Ginebra San Miguel at Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

Pero ayon pa sa SMC president at chief executive officer, minsan na niyang napag-isipan na mag-disband ang SMC sa PBA.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Actually, matagal nang gustong itigil ang basketball na ‘yan e,” pahayag niya.

Pero ang nagpapanatili sa tatlong koponan ng SMC sa pro league ay ang mga hatid nitong saya sa publiko.

“Sobrang laki ng gastos diyan. Pero pagbigyan mo na. Entertainment sa mga kababayan natin e,” panapos na pahayag ni Ang. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.