Abante Tonite
Mabilis sa Balita

RT-PCR gawang Pinoy aprub sa FDA

0 396

Magagamit na ang locally developed test kit para sa COVID-19 matapos makapasa sa istriktong safety requirement ng Food and Drug Administration (FDA).

Sabi sa isang pahayag ni Dr. Raul Destura, isa sa nagsulong nito, handa na para sa commercial use ang version 2 ng GenAmplify COVID-19 RT-PCR na gawang Pinoy.

Simula pa aniya ng COVID-19 pandemic ay masusi na silang nakikipag-ugnayan sa FDA, Department of Health (DOH) at sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para masunod ang mga kinakailangang gawin.

Tiniyak naman ng DOH na regular nitong imo-monitor ang performance ng nabanggit na test kit tulad ng ginawa nila sa iba pang medical product at device. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.