Abante Tonite Interactive

Ruben Soriquez wish makatrabahong muli si Angel

437

Aminado ang Fil-Italian actor/director na si Ruben Maria Soriquez na nag-enjoy siya sa paglabas sa ‘The General’s Daughter’ na pinagbibidahan ni Angel Locsin.

Sa panayam kay Direk Ruben bago siya magtungo sa Italy, sinabi niya ang wish na makatrabaho ulit si Angel sa hinaharap.

“I had a scene with Angel Locsin on my last taping day of The Gene-ral’s Daughter. I enjoyed it. Unluckily it was the only one with her. I know we could work well together. I hope I can have Angel in one of my films in the future,” pahayag ni Ruben na gumanap bilang si David Pascal sa TV series ng ABS CBN.

Matatandaang nagmarka si Ruben sa seryeng ‘Dolce Amore’ bilang ama-amahan ni Liza Soberano.

Si Direk Ruben ay nasa Italy ngayon para sa second edition ng EPIFF, ang European Philippine International Film Festival na co-founded niya in collaboration with the Philippine Italian Association, ng ICCPI, at ng FDCP.

Katatapos lang din niyang gawin ang pinagbibidahang ‘The Immortal Hunters’, isang action/horror film na pinamahalaan ni Direk Paolo Bertola.

Kasalukuyang nasa post production na ang naturang pelikula. Ang ‘The Spider’s Man’ naman, ang co-medy/thriller na kanyang pinamahalaan, starring himself, Richard Quan, Lee O’Brian, Jeff Tam, at Rob Sy ay nakatakdang i-release sa USA, Canada, at Europe ng Leomark Studios (Los Angeles).

Samantalang ang horror film niyang ‘The Lease’ ay magkakaroon naman ng ibang kapalaran. Maliban sa North America ay may theatrical release rin sa India (by Dhalanjay Galani, Mumbai). Kasama niya sa movie si Concepcion. Ito ay sa direksyon ni Paolo Bertola at prodyus ni Mario Alaman,
“I think it’s the first time for a small independent film from the Philippines to have theatrical distribution in India,” wika ni Ruben. “We already signed the deal and I think it’s a great opportunity to showcase the Philippines there,” aniya pa .

Magkakaroon din ng world wide release sa darating na May 28 ang pelikulang General Commander, starring Steven Seagal. Ito ay distributed ng Lionsgate, isang major American entertainment company. Dito’y gumaganap si Direk Ruben bilang isang mafia member na si Santino Amato.

Esplika pa niya, “I am currently working on an American TV series. It’s going to be a long process but I am very excited about it,” sambit ni Direk Ruben na hindi itinatago ang kanyang planong gumawa ng mga proyekto sa Amerika sa hinaharap. (Nonie Nicasio)