Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rubout nilihis sa droga

0 156

Kinontra ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga alegasyon na mayroon umanong kinalaman sa iligal na droga ang isa nilang sundalo na kabilang sa mga napatay ng siyam na pulis sa Jolo, Sulu noong June 29.

Nagsalita hinggil sa naturang alegasyon ang AFP matapos na ipahayag ni Bangsamoro police chief Brig. Gen. Manuel Abu sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs noong Miyerkoles na ang isa sa apat na sundalong nasawi na Army Corporal Abdal Asula ay mayroon umanong kinalaman sa iligal na droga.

“That is obviously a desperate attempt by the assailants to besmirch the reputation of Corporal Asula to justify or to divert the attention away from the senseless killing of the soldiers,” pahayag ni AFP spokesperson Marine Major General Edgard Arevalo.

Bago pa man aniya ito ay iginiit na rin ng mga sangkot na pulis na self-defense ang kanilang ginawa kahit lumabas sa pag-iimbestiga ng NBI at sa paglalahad na rin ng mga testigo na walang naganap na “unlawful aggression” o “provocation” mula sa panig ng mga nasawing sundalo.

Binuweltahan din ni Arevalo ang lokal na PNP sa Jolo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maging si Western Mindanao Command Commander Major General Corleto Vinluan, hindi kumbinsido sa mga lumabas sa pagdinig sa Senado.

“Wala kaming alam sa report na ganyan…wala naman `yong balita na involved `yon,” sinabi ni Vinluan.

Sinabi pa ni Vinluan na malinaw na dapat managot ang mga pulis dahil sa pagpatay.

Nanawagan na rin si Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana ng patas na imbestigasyon.

Naunang binatikos ni AFP chief Lt. Gen. Gilbert Gapay ang kabagalan umano sa pagsasampa ng kaso sa siyam na pulis.(Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.