Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ruby ‘tsugi’ sa Eat Bulaga

0 358

NI: ARCHIE LIAO
Matagal nang hindi napapanood sa longest running noontime variety show na ‘Eat Bulaga’ ang Dabarkads na si Ruby Rodriguez.

Isang netizen ang nagtanong sa komedyana kung bakit hindi na siya nakikita sa nasabing programa.

Cryptic reply ang isinagot ng magaling na comedienne.

“Sila ang tanungin mo,” ang sagot ni Ruby na nag-uusisang netizen.

Dahil dito, hindi maiwasang mag-isip ang ilang followers ng programa kung tsugi na raw ba sa nabanggit na show ang actress.

Pero hanggat walang announcement ang show at ‘di nakikita si Ruby, patuloy na umuugong ang espekulasyon.

Mula kasi nang maospital at mamatay sa COVID-19 si Dr. Sally Gatchalian, ang kapatid na doktor na ni Ruby, matagal na siyang naging absent sa naturang programa.

Sa kanyang pagkawala, maraming fan ang nakaka-miss sa kanyang presensya sa Bulaga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.