Abante Tonite Interactive

Ruby Tuason hahabulin sa Malampaya Fund scam

By
2,292

Namumurong makaladkad sa bubuhaying imbestigasyon ng Senado sa multi-bilyong pisong ano­malya sa Malampaya Fund ang dating social secretary ni da­ting Pangulong Josep­ Estrada na si Ruby Tuason.

Sa Senate Re­solution No. 579, iginiit ni Senador Sherwin ‘Win’ Gatchalian ang pagsasagawa ng inquiry in aid of legislation sa pagre-release ng Department of Budget and Mana­gement (DBM) ng Malampaya Fund nang walang kaukulang documentary requirements.

Sa tala, umabot sa P173. 280 bilyon­ ang Malampaya Fund mula Enero 2002 hanggang Hunyo 2013.

Ang pondo ay kinolekta ng DOE at pinamumunuan ng Bureau of Treasury na nakalaan sa exploration at development ng energy resources.

Hiling naman ni dating Senador Jinggoy Estrada sa Senado, ipatawag sa pagdinig si Tuason dahil ito umano ang utak ng Malampaya Fund scam.

“The forthcoming investigation has been long overdue. I commend Sen. Gatchalian­ for initiating a full blown investigation regarding the highly anomalous disbursement of the Malampaya funds. The committee must summon the alleged mastermind by the name of Ruby Tuason,” diin ni Estrada.