Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rudy Baldwin pina-Tulfo sa maling hula

0 254

Nahulaan kaya ni Rudy Baldwin na ipapa-Tulfo siya?

Lumutang ang dalawang indibidwal sa public service show na “Raffy Tulfo in Action” upang ireklamo ang sikat na social media psychic.

Sikat si Baldwin sa panghuhula ng iba’t ibang kaganapan gaya ng mga aksidente at kalamidad na pino-post niya sa kanyang official Facebook page kung saan siya ay may mahigit apat na milyong follower.

Gayunpaman, ang dalawang babae na sumulpot sa programa ni Tulfo ay hindi kumbinsido sa panghuhula niya.

Ang isa sa mga biktima, na dati umano niyang manager, sinabihan daw ni Baldwin na magiging alkalde ng isang bayan sa Bulacan.

SM food to go Banner Ad

Inutusan pa raw siya nito na ibenta ang kanyang mamahaling gamit gaya ng alahas at sasakyan dahil magugunaw na ang mundo sa Marso 2020.

Habang ang isa naman, umabot umano sa halos P60,000 hanggang P70,000 ang binayad kay Baldwin para sa ilang hula na hindi naman aniya nagkatotoo.

Isa raw sa mga hula sa kanya ay magiging babae ang kanyang apo ngunit matapos manganak ng kanyang anak ay lalaki ang sanggol.

Ang isa pa raw na ‘vision’ ng psychic ay mamamatay ang babae sa Nobyembre 2020 ngunit hindi rin naman ito nangyari.

Desperado ang isa sa mga biktima na sampahan ng kaso si Baldwin. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.