Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rufa Mae ayaw pasapaw kina Pokwang, Ai Ai

0 80

NI: ROLDAN CASTRO

Hindi inaasahan ni Rufa Mae Quinto na makakabalik ulit at magkaroon ng bagong sitcom.

Pansamantala siyang nawala nu’ng mag-asawa , magkaanak at nasa Amerika habang kasagsagan ng COVID 19.

Naging contract star pa siya ng Sparkle at Hindi rin naman pasasapaw pagdating sa pagpapatawa. Keri pa niyang makipagsabayan kina Pokwang, Ai Ai delas Alas, Manilyn Reynes pagdating sa mga comedy show.

Ibang level na rin ang role niya sa family sitcom na ‘Tols’ na aarangkada na sa GTV simula ngayong Sabado, 7:05 p.m..

Gaganap siyang ermat ng triplets na sina Kelvin Miranda, Abdul Raman at Shaun Salvador. Siya ay si Mommy Barbie.

Ang Tols ay kuwento ng tatlong anak na lumaking magkakahiwalay at malayo ang loob sa isa’t isa. Nagbalik-bansa naman ang kanilang ina na si Mommy Barbie matapos ang ilang taong pagtatrabaho sa abroad. May chance pa kaya na magkaroon ng one big happy family ang mag-iina?

Makakasama rin nila sa ‘Tols’ sina Betong Sumaya, Arkin del Rosario, Raymond Mabute at Olive Mae. Ito’y sa direksyon ni Monti Parungao.

Panagarap din ni Rufa Mae na mag-guest si Bitoy sa sitcom. “Siya pala ang tunay na ama,” pagbibiro niya.

Tiyak na maghahatid ng katatawanan at mga aral sa buhay ang pinakabago at pinakaunang family sitcom sa GTV na ‘Tols.’

Leave A Reply

Your email address will not be published.