Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rufa Mae hindi losyang

0 311

NI: MILDRED BACUD
Mukhang niyakap na ni Rufa Mae Quinto ang buhay sa Amerika kasama ang asawang si Trevor Magallanes at anak na si Athena.

Makikita sa mga vlog niya kung gaano siya kasaya bilang ordinaryong maybahay at ina.

Bida nga niya, “I make sure I wake up early and cook good food for my family.” Malayo nga sa glamorosong buhay ng comedianne/actress sa Pilipinas. Pero mukhang masaya na ang aktres. Hindi posibleng mangyari na for good na silang manirahan dun dahil kamakailan lang ay nakalipat na sila sa bagong bahay sa Amerika.

Bago ang pandemya nagpagawa ng bahay si Rufa at nakatakda sana silang umuwi last July 2020. Pero nagbago ang mga plano dahil sa pandemya. Kahit naman misis na ang aktres, hindi pa rin nito pinababayaan ang sarili at napakaseksi pa rin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.