Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ruffa, Aiko, Carmina umeksena ang mga anak

0 809

ROMMEL PLACENTE: Maraming anak ng mga artista ang pinasok na rin ang showbiz. Isa na rito si Joaquin Domagoso, na anak ni Isko Moreno. Ang isa pa ay si Inah Estrada, na anak ng dating mag-asawang Janice de Bellen at John Estrada. Simple lang ang nakikita kong dahilan mga ka-Cuatros kung bakit pumalaot din sila sa showbiz. May dugong artista kasi na nananalaytay sa kanilang nga ugat,di ba? Plus the fact,na siguro, gusto rin nila na makita ang mga sarili na umaarte sa serye o pelikula. At posibleng type din nilang ma-experience kung paano ang buhay sa showbiz.

And in fairness sa kanya,gaya nina Janice at John, ay may talent siya sa pag-arte huh!

Siguradong magmamana rin si JD sa husay sa pag-arte ng kanyang amang si Yorme. Pero mga ka-Cuatros pansin ninyo ba,na kung namamana ng anak ang acting ability ng kanilang mga magulang,sa feature naman ay hindi. Tulad ni Danica Sotto. Mas maganda si Dina kesa Danica.

MILDRED A.BACUD : Isa sa mga anak ng mga artistang masasabing naging successful ay si Janine Gutierrez. Alam naman natin na nu’ng panahon ng That’s Entertainment ay sumikat ang mga magulang niya na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher. Nawawala na rin ang aktres sa anino ng ina dahil nabibigyan na siya ng award. Si Diego Loyzaga na anak ni Cesar Montano at Teresa ay nagpapatuloy pa rin sa showbiz kahit ang dami ding kontrobersiya ang napagdaanan. Hindi man niya nahigitan ang kasikatan ng ama no’ng araw kahit paano ay nandyan pa rin naman siya sa showbiz. Pero iba rin ang anak ng action star na si Jeric Raval. Si AJ ay maraming ginulat maging ang sariling ama dahil wala itong takot magpaseksi.

RODEL FERNANDO: Bongga rin ang mga artista na may mga anak na sumusunod sa yapak nila. Ang mga masasabing tumatak sa kamalayan ng Pinoy ay ang mga supling nina Nora Aunor, Vilma Santos at Sharon Cuneta. In fairness sumikat talaga ang mga anak ni Ate Guy na sina Lotlot, Ian at Matet. Hindi rin puede balewalain ang anak ni Ate Vi na si Lucky Manzano at ang anak naman ni Ate Shawie na si KC Concepcion.

Sa makabagong panahon ngayon na kahit hindi man nag-artista ay celebrity na ring maituturing ang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia na namamayagpag na bilang endorser. Sa mura niya ngang edad ay milyonarya na ang bata. Of course, hindi rin pahuhuli ang mga anak nina Doug Kramer at Cheska Garcia lalo na si Kendra na namamayagpag din sa commercial.

Naniniwala ako mga Ka-Cuatros na papasukin din nina Zia at Kendra ang pag-aartista sa takdang panahon at baka pagsabungin pa sila.

ROLDAN CASTRO: Ang bilis ng panahon dahil ang dating cast ng ‘Underage Too’ nu’ng 1991 ay mga anak na nila ang umeeksena ngayon sa showbiz.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Nag-aartista na ang anak ni Carmina Villarroel na sina Cassy at Mavy Legaspi. May ka-loveteam na rin si Cassy sa katauhan ni Joaquin Domagoso.

Tuloy na rin sa pag-aartista ang binata ni Aiko Melendez na si Andre Yllana.

Kamakailan ay nagkaroon ng mediacon ang anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin. Seryoso na siya sa pag-aartista at hahawakan siya ng Viva Artists Agency. Noon pa interesado si Lorin umarte dahil lagi sumasali siya sa mga plays sa school.

Walang nag-udyok sa kanya na mag-artista kundi sarili niyang kagustuhan.

Ipinapaubaya na ni Lorin sa management niya kung sino ang gustong i-partner sa kanya.

Magaling magsalita at sumagot ang dalaga sa mga tanong.Keri niyang maging TV host sa takdang panahon.

Sa mga sexy actress, nagpasukan na rin sa showbiz ang mga anak nila. Ang guwapong binata ni Allona Amor na si Nash Tillah ay may ibubuga sa kantahan at umaarte na rin. Darating din sa bansa si Marinella Moran kasama ang dyunakis na si Alexander Robin Hardman para isabak sa commercial. Mag-aartista na rin ang binatilyo ni Sabrina M na si Matthew Salvador.Todo ang suporta ni Sabrina sa anak.

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.