Abante Tonite Interactive

Ruffa at Bisaya, tuloy ang away kay Jordan

By
Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama
7

MARAMI pala ang nag-aakalang kapag may camera lang na nakatutok sa kanila para sa rea­lity TV series nila na It Takes Gutz to be a Gutierrez nag-aaway ang mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez.

Pagko-correct ni Bisaya sa isang katsikahan niya kamakailan, “Kahit walang mga came­ra, palagi kaming nag-aaway ni Ruffa (Gutierrez)! Hindi kasi siya nakikinig sa akin.
“Ang hilig-hilig pa niyang ipagtanggol ang boyfriend (Jordan Mouyal) niya!”

Aminado si Bisaya na hanggang ngayon, pinagtatalunan pa rin nila ni Ruffa ang boyfriend nito.
Very firm si Bisaya sa pagsasabing hindi niya tanggap ang relasyon ng anak kay Jordan.

Abante Hiring – IT dep

Unang-unang inaayawan ni Bisaya ay ang katotohanang mas bata si Jordan kay Ruffa.
Nakakaaliw si Bisaya kapag sinasabi niyang umaasa pa rin siya na makakahanap ng iba si Ruffa.

Related Posts

Anyway, dahil walang katapusan ang away nilang mag-ina, marami pa rin sa mga eksena nilang ganoon ang mapapanood sa 4th season ng reality TV series nila na magsisimula nang mapanood sa E! international channel simula sa Hul­yo 25, 8:30 PM.

“Never naman akong na-concious ke may camera o wala. Kung ano ang mapapanood nila sa reality TV series namin sa E! ay ‘yon talaga ang nangyayari sa amin.
“Hindi put on ang kahit na ano roon.

“’Yung iba, akala may script kami at umaarte lang ako kapag nagagalit ako o umiiyak.

“Eh, paano akong aarte, kaya nga hindi ako sumikat na artista noong araw dahil hindi ako maru­nong umarte! Hahaha!” natatawang sabi ni Bisaya.