Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ruffa bati na kay Gretchen

0 156

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang natuwa sa post ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram account. Ito’y tungkol sa “peace offering” na ipinadala sa kanya ni Gretchen Barretto.

“Ï’m accepting Gretchen’s generosity and kindness with open arms. Her message to me saying that her love for me will remain till the end of time got me teary-eyed.

Life is short so let’s be merry, at peace and embrace positivity,”sey ni Ruffa.

Matatandaang nagkaroon ng feud sina Gretchen at Ruffa dahil sa pagkaka-drag ng pangalan ng huli sa gulo ng pamilya ng mga Barretto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakapagkomento pa nga noon si Gretchen na nakikisawsaw umano ang aktres sa kanilang family feud .

Naungkat pa nito ang pagkakasangkot ng huli sa 1994 Metro Manila Film Festival scandal.

Sina Gretchen at Ruffa ay parehong naging Regal babies noong circa 80s.

Speaking of La Greta, marami naman ang na-touch sa pagiging thoughtful nito sa showbiz press at sa mga nakatrabaho dahil sa kanyang paayuda.

Leave A Reply

Your email address will not be published.