Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ruffa bet si Bistek kesa kay Gardo

0 452

Isa si Ruffa Gutierrez na maituturing na “blessed” na artista sa ngayon dahil sa gitna ng pandemic ay sunod-sunod ang projects niya. Katatapos lang niya ng dalawang teleserye sa ABS-CBN – ang una ay ang Love Thy Woman na tapos nang iere at ang pangalawa ay ang The House Arrest of Us with KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla) na nakatakdang mapanood sa Oct. 24 sa KTX. Bukod dito ay nagkaroon din siya ng online show na “Love Thy Chika” under Dreamscape Entertainment.

Ngayon ay magsisimula naman siya ulit ng bagong teleserye sa TV5, ang Stay-In Love with Maris Racal and Kokoy de Santos kung saan ay magla-lock-in taping na naman siya for the 3rd time.

“Suking-suki na ako sa lock-in,” natatawa niyang sabi sa zoom tsikahan last Thursday. “Hindi ko na tinatanggal ang mga gamit ko from my maleta, from my cooler, naka-ready na lahat.”

Pati nga sa swab test ay suking-suki na siya dahil before and after the lock-in taping since safety protocol talaga ito.

Sa The House Arrest of Us ay first time makatrabaho ni Ruffa ang KathNiel .Sobrang nag-enjoy raw siya sa taping dahil lahat daw ng cast ay magaan katrabaho.

“Kathryn and Daniel are always on time sa set, mahusay sila, mabait sila, wala akong masabi talaga. I had such a great time working with them and I hope to work with them (again) in the future,” sey ni Ruffa.

SM food to go Banner Ad

Nakakatuwa nga kasi tinutukso-tukso raw siya sa set sa mga co-actors na sina Gardo Versoza at Herbert Bautista.

Pero pumalag siya kay Gardo dahil nga may asawa na ito kaya kay Bistek na lang siya tinukso dahil single raw ito at partner pa niya sa serye. Game na game naman si Mayor dahil crush daw nito si Ruffa noon pa.

When asked kung hindi ba siya natatakot na baka may magselos sa pagkaka-link niya kay Bistek na siyempre, walang iba kungdi si Kris Aquino, natatawang sambi ni Ruffa, “di ba, wala na sila? Wala na sila, single daw siya. At least, it’s better na tinutukso-tukso ako sa isang single at hindi sa may asawa, di ba?”

Nang matanong naman kung ano ang status ng love life niya ngayon, matipid na sagot ng aktres, “okay lang, steady lang.”

Sa tanong kung sila pa ba ni Jordan Mouyal, pa-safe rin ang sagot ni Ruffa. “I don’t know, eh. Basta.”

At the end of the day, thankful si Ruffa na may work pa rin siya in the middle of pandemic at kahit mahirap because of the COVID scare and safety protocols, kailangan daw tiiisin because she needs to work din naman.

Leave A Reply

Your email address will not be published.